The Dogs of German Gervacio
Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu!: Isang Desperadong Pag-aaral sa Mga Modernong Bugtong na Walang Gustong Sumagot ni German V. Gervacio0. Aso kong putiInutusan ko sandaliHindi na umuwiClue: pwe!Sagot:1. Aso ako ng PutiInuutusan ako palagiUpang maka-loan muli’t muliClue: cute po ako at hate ko mga terroristsSagot:2. Aso kong punggokSa trono’y iniluklokNang pababain ay naghimutokClue: hate po niya mga terrorists at cute siyaSagot:3. Aso kong tabogolKadena’y aking pinutolUpang tumigil sa katataholClue: Err-rafrafraf, hik!Sagot:4. Aso kong itimPinabilang ko nang lihimTrono’y napunta muli sa akinClue: kapag bundat na ang linta, nagreresayn nang kusaSagot:5. Aso ako ng punggokNang ang tuta ko’y nagpaputokNasabon ako mula paa hanggang tuktokClue: dog po ako pero parang sa rabbit tenga koSagot:6. Aso kong panay ang atungalSa palasyo nainvite mag-almusalPag-uwi may paperbag na busalClue: batik-batik po ang aso kong ito, lordSagot:7. Mga aso kong pulaPinalparan ko naPanay pa rin ang almaClue: Sori, wala pong clue, wala ring ebidensya…Sagot:8. Aso kong astang-heroMistulang si fernando poeNang pulbusin ang mga haybol sa esteroClue: Sapatusin po kita pag humingi ka pa ng clue!Sagot:9. Aso kong may sayadTingin sa sarili niya’y isteytsaydKuntodo-accent pagbigkas ng “I lied!”Klu: klut-klut hair niyaSagot:10. Mga katahulan kong apatetikPinabasa ko nitong aking gimikDi nangagat panay lang hagikgikClue:Sagot:
Labels: gma, lists, literature
3 Comments:
Awhoooo!
ano po sagot?
0. Aso kong puti
Inutusan ko sandali
Hindi na umuwi
Clue: pwe!
Sagot:Dura?
1. Aso ako ng Puti
Inuutusan ako palagi
Upang maka-loan muli’t muli
Clue: cute po ako at hate ko mga terrorists
Sagot: GMA?
2. Aso kong punggok
Sa trono’y iniluklok
Nang pababain ay naghimutok
Clue: hate po niya mga terrorists at cute siya
Sagot:GMA?
3. Aso kong tabogol
Kadena’y aking pinutol
Upang tumigil sa katatahol
Clue: Err-rafrafraf, hik!
Sagot: Erap?
4. Aso kong itim
Pinabilang ko nang lihim
Trono’y napunta muli sa akin
Clue: kapag bundat na ang linta, nagreresayn nang kusa
Sagot:Garci? Abalos?
5. Aso ako ng punggok
Nang ang tuta ko’y nagpaputok
Nasabon ako mula paa hanggang tuktok
Clue: dog po ako pero parang sa rabbit tenga ko
Sagot: De Venecia?
6. Aso kong panay ang atungal
Sa palasyo nainvite mag-almusal
Pag-uwi may paperbag na busal
Clue: batik-batik po ang aso kong ito, lord
Sagot: Gov Panlilio?
7. Mga aso kong pula
Pinalparan ko na
Panay pa rin ang alma
Clue: Sori, wala pong clue, wala ring ebidensya…
Sagot: Siret!
8. Aso kong astang-hero
Mistulang si fernando poe
Nang pulbusin ang mga haybol sa estero
Clue: Sapatusin po kita pag humingi ka pa ng clue!
Sagot: Bayani Fernando?
9. Aso kong may sayad
Tingin sa sarili niya’y isteytsayd
Kuntodo-accent pagbigkas ng “I lied!”
Klu: klut-klut hair niya
Sagot: Brenda?
10. Mga katahulan kong apatetik
Pinabasa ko nitong aking gimik
Di nangagat panay lang hagikgik
Clue:
Sagot:Siret!
Post a Comment
<< Home