Sunday, June 06, 2010

Paano Kayo Bumoto (Region 3)

Huwag po nating pagalitan ang mga Kapampangan nitong eleksyon tulad ng mga nabasa nating pagmumura sa Facebook at iba pang social networks. Nanalo po si Lito Lapid bilang senador ng milya-milya; 658,337 po ang nakuha niyang boto sa kanyang mga kababayan o 72 porsiento ng bumoto doon. Pangalawa si Bong Revilla, isa pang artista, na may 639,657. Malayo na ang 3rd: Miriam Santiago na may almost 500,000.

At siyempre, 85 percent sa bumoto sa 2nd district ay binoto si Pres. Gloria Arroyo bilang congresista. Mahigit 10 percent lamang ang nakuha ni Adonis Simpao.

At siyempre si Lilia Pineda, asawa ng jueteng financier na si Bong Pineda, ang nanalo bilang gubernador at landslide din: 66 percent. Si Gov. Among Ed Panlilio ay nakakuha lamang ng kalahati nito.

Si Carmelo Lazatin ang congressman sa 1st distrito at si Aurelio Gonzales sa 3rd. Close ang laban ni Noynoy at Gibo habang humarabas naman si Mar dito.

Si Oscar Rodriguez ang mayor ng San Fernando, Edgardo Pamintuan naman sa Angeles, Ricardo Rivera sa Guagua, Marino Morales sa Mabalacat at walang kalaban si Mylyn Cayabyab sa Lubao.

Sa Aurora naman, Erap-Binay-Jinggoy ang sikat sa national level at Angara sa local. Si Bellaflor Angara Castillo pa rin ang gobernor, Juan Edgardo Angara ang congressman at Arturo Angara ang mayor ng Baler. Tinalo ni Reynaldo Bitong si Jeremias Estevas sa Casiguran at Ariel Bitong naman ang mayor ng Maria Aurora.

Balik Noybi-Jinggoy sa Bataan. Hindi rin gaanong nabulabog ang local na opisyal. Si Enrique Garcia Jr ang gobernor at Albert Raymond Garcia naman ang congressman sa 2nd District, Jose Enriquez Garcia III and mayor ng Balanga City. Si Herminia Roman naman and representante sa 1st. Si Joel Payumo ang mayor ng Dinalupihan, Benjamin Serrano sa Orani at Cynthia Estanislao sa Morong.

Noybi-Jinggoy din sa Bulacan. At dahil isa ito sa piankamalaking probinsiya, ito ang Top Ten na senador: Jinggoy, Revilla, Enrile, Tito Sotto, Miriam Santiago, Drilon, Pia Cayetano, Bongbong Marcos at Risa Hontiveros. Pang-11 lamang si Lito Lapid na kapitbahay ng Bulacan at 19th lang si Susan Ople na anak ng Bulacan.

Tinalo ni Wilhelmina Sy-Alvarado si Josefina dela Cruz bilang governor at natalo din si Obet Pagdanganan bilang congressman sa 1st distrito sa isa pang Sy-Alvarado, si Ma. Victoria. Si Joselito Mendoza ang nanalo sa 3rd, Pedro Pancho sa 2nd at nilampaso ni Linabelle Villarica si controversial DPWH director na si Salvador Pleyto. Mga mayor sa piling lungsod ng Bulacan ay sina Reynaldo San Pedro ng San Jose del Monte, Joan Alarilla sa Meycauayan, Eduardo Villanueva na anak ni JIL Eddie sa Bocaue, Christian Natividad sa Malolos, Angel Cruz Jr sa Hagonoy, Epifanio Guillermo sa Marilao at si Orencio Gabriel ang magsisimula ng pandango sa Obando.

Straight PMP sa Nueva Ecija kaya't si Erap-Binay-Jingoy ang namayani. Tulad sa Bulacan, Butil ang paboritong party-list. Tinalo ni Aurelio Umali si Edward Thomas Joson sa pagiging gobernor habang tinalo ni Gay Padiernos si Rommel Padilla (kapatid ni Robin) sa vice-governor. Tinalo ni Josefina Joson si Renato Diaz sa 1st distrito at nanalo naman si Joseph Violago sa 2nd, Rodolfo Antonino sa 4th at tinalo muli ng Umali (si Czarina) ang Joson (si Eduardo IV) sa 3rd distrito.

Si Julius Cesar Vergara ang mayor ng Cabanatuan habang si Christian Tinio naman sa Gapan City, Romeo Capinpin sa Palayan, Marivic Belena sa San Jose at Efren Alvarez sa Science City of Munoz.

Kung sa una ay sinasabing see-saw ang laban ng Gibo at Noynoy sa Tarlac ay malayo ang nangyari noong eleksyon. Si Noynoy ay naka 73 percent at 12.3 percent lamang si Gibo. Si Mar naman ay nak-60 percent at 25 percent lang si Binay. Si Recto at Drilon lang ang nakapasok sa Top Ten sa senado.

Landslide si Victor Yap bilang governor at Jose Yap sa 2nd district. Congresista si Jeci Lapus sa 3rd at Enrique Cojuangco sa 1st. Si Gelacio manalang ang mayor ng Tarlac City at iba pang alkalde ay sila Neil Agustin sa Camiling, Dennis Go sa Gerona, Benito Aquino sa Moncada at Miguel Rivilla sa Paniqui.


Hindi sinuportahan ng Zambales si Gordon tulad ng inakala. About 15 percent lang ang nakuha ni Dick para maging 3rd sa presidential race (40 percent si Noy at 26 si Erap) at for the first time, hindi kulelat si JC delos Reyes at may 620 sa kababayan ang bumoto. Gaganda na ang daan ng Zambales (o magiging lalong substandard) at si DPWH Sec Ebdane ang gobernor. Tinalso ni Maria Milagros Magsaysay si Anne Marie Gorodn sa 1st district para maging double whammy sa mga Gordons at panalo pa rin si Antonio Diaz sa 2nd. Si James Gordon ang mayor ng Olongapo, si Nerma Yap sa Botolan, Hefferson Khnonghun sa Subic at Ad Hebert Deloso sa Iba.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Submit your website to 20 Search Engines - FREE with ineedhits!
Get Free Shots from Snap.com
Since March 2007
Carp Fishing
site statistics
visited 14 states (6.22%)
Create your own visited map of The World or jurisdische veraling duits?