Tuesday, June 01, 2010

Paano Tayo Bumoto (Part I)

NCR


Bumuhos si Noynoy sa lungsod ng Maynila at nakakuha siya ng 298,217 boto laban sa 214,517 ni Erap at 72,521 ni Gibo. Panalo si Binay (55 percent) sa Manila at malayo ang agwat niya kay Mar (33.25) at maging si MMDA chief na si Bayani Fernando na may 4.8 percent lang ng boto. Nilampaso naman ni Alfredo Lim si Jose Atienza sa pagiging mayor at nanalo rin ang artistang si Isko Moreno (Francisco Domagoso) bilang bise. Mga nanalong representante ay sina Amado Bagatsing sa 5th distrito, Rosendo Anne Ocampo (6th), Maria Zenaida Angping (3rd), Teresa Bonoan-David (4th), Benjamin Asilo (1st), at Carlo Lopez (2nd).

Mga nakapasok sa Magic 12 ng Manila ay (sa tamang order) sina Jinggoy Estrada, Miriam Santiago, Ferdinand Marcos, Franklin Drilon, Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Pia Cayetano, Tito Sotto, Sergio Osmena, Hontiveros-Baraquel, Guingona at Ralph Recto.

May asim pa rin ang mga Abalos sa Mandaluyong at nanalo si Benjamin Abalos Jr bilang mayor at si Neptali Gonzales ay walang kalaban bilang congresista.

Noy-Mar naman sa Marikina at si Drilon ang topnotcher sa Senado dito. Mayor si Del De Guzman at si Marcelino Teodoro ang nanalo sa 1st distrito at si Romero Federico Quimbo sa 2nd.

Noy-Bi naman sa Pasig at si Estrada na ang numero uno sa Senado kahit 2nd si Drilon at 3rd si Miriam. Si Robert Eusebio ang nabotong mayor ng Pasig.

Maging sa teritoryo dapat ni Mar Roxas ay panalo pa rin si Binay (48 porsiyento versus 40) habang si Noynoy na taga Times St. ay dinoble ang lamang kay Erap. Jinggoy, Defensor, Drilon, Marcos, Enrile at Cayetano ang winners sa Senado.

Nanalo si Herbert Bautista bilang mayor at pinulot naman sa kangkungan sila Mike Defensor, Mary Ann Susano at Ismael Mathay. Sa laban ng mga babae, nanalo si Joy Belmonte laban kay Aiko Melendez at Janet Malaya.

Tinalo ni Winston Castelo si Kit Belmonte bilang representative ng 2nd distrito at nagwagi rin si Bingbong Crisologo sa anak ni Lucio Tan na si Vivienne sa 1st district. Panalo ang basketball player na si Joel Banal sa 3rd laban kay Matias Defensor at slam-dunk naman ang dating mayor na si Sonny Belmonte sa 4th.

Sierto nag pagkapanalo ni Jinggoy sa San Juan pero tinalo pa rin ni Noynoy si Erap ha hari ng San Juan ng apat na dekada. Walang kalaban si Jose Victor Ejercito sa congreso at panalo naman ang 2nd Lady na si Guia Gomez bilang mayor.

Walang pagbabago sa national contest sa Caloocan. Tinalo muli ni Enrico Echiverri si Luis Asistio bilang Mayor at puwede mo nang lapitan si Oscar Malapitan sapagkat natalo niya si referee Tito Varela bilang congressman ng 1st at si Mary Cajayon naman sa 2nd.

Puro mga Three Gs naman sa Valenzuela City pinangungunahan ni Sherwin Gatchalian bilang mayor, Rexon Gatchalian bilang kinatawan ng 1st distrito at si Magtanggol Gunigundo sa 2nd.

Marami bang Waray sa Malabon at panalo ito bilang party sit dito. Noy-Bi-Jinggoy pa rin dito pero mga Oreta naman ang sikat. Walang kalaban si Canuto Senen Oreta bilang mayor at bise niya si Antolin Oreta Jr. Si Josephine Lacson-Noel naman ang congresista.

Dito lang sa Navotas nanalo si Erap at halos kalahati ang lamang niya kay Noynoy. Maliban doon halos walang eleksyon dito at sila Rep. Tobias Reynald Tiangco, Mayor John Reynald Tiangco at Vice-Mayor Patrick Joseph Javier ay walang kalaban.

Hometown ni Manny Villar ang Las Pinas at dapat lang manalo siya dito (40 percent ng boto) at 2nd and 4th naman ang mga NP senators na si Pia at Bongbong Marcos. Panalo si Miriam at 3rd naman dito si Drilon. Ang anak na si Mark Villar ang representante at mayor naman si Vergel Aguilar.

Mahigit 100,000 boto ang lamang ni Binay kay Mar sa Makati ( 179,375 laban sa 74897) pero si Noynoy naman ang sa presidente. Tinalo ni Junjun Binay si PAGCOR son Erwin Genuino at Ernesto Mercado bilang mayor at panalo naman si Abigail Binay sa 2nd district. Na-edge ni Monique Lagdameo si Maria Lourdes Locsin ng 242 botos na siyang ikinapuputok ng butse ni Rep. Teddy Boy Locsin.

Noy-Bi ang Mandaluyong pero ang hometown son na si Ruffy Biazon ang panalo sa senatorial race habang si Sen. Pong Biazon naman ang pumalit bilang congresista. Si Aldrin San Pedro ang mayor.

Malayo ang agwat ni Rolio Golez sa 2nd distrito ng Paranaque at halos ganoon rin ang agkapanalo ni Edwin Olivarez sa 1st. Mas close ang pagkawagi ni Florencio Bernabe Jr. sa dating Rep. Eduardo Zialcita at Joey Marquez sa pagka-mayor.

Mga Calixto ang nanaig sa Pasay City kasama na si Imelda Calixto-Rubiano sa congress at si Antonino Calixto bilang mayor.

Si Jaime Medina pa rin ang mayor ng Pateros at si Arnel Cerafica naman ang nanalo bilang congressman. Si Sigfrido Tinga naman ang congresista ng Taguig pero tinalo ni Maria Laarni Cayetano, na asawa ni Sen. Renato C, si Daniel Tinga ng halong tinga na diperensya. Tinga rin ang lead ni Jinggoy kay Pia sa senate race. Maliban doon, Noy-Bi pa rin sa Taguig at pati na rin sa Pateros, Pasay at Paranaque.



ILOCOS


Sa Ilocandia, namamayagpag ang mga Marcoses. Sa Ilocos Norte, ang hometown ng yumaong si President Ferdinand Marcos halos Marcos lahat ang nanalo. Si Rep. Ferdinand Marcos ay nagkamit ng 254,216 boto sa pagkasenado na halos kalahati sa nakuha ni Sen. Jinggoy Estrada na siyang pumapangalawa sa laban ng mga senador. Ang nanay niyang si Imelda Marcos na tumakbo bilang KBL di kagaya ni Bongbong na NP ay nanalo bilang congresswoman ng 2nd distrito, tinalo ang dating kaalyado na si Mariano Nalupta Jr. Si Imee Marcos naman ang bagong gobernador ng provincia at nagwagi siya sa pinsan niyang si Michael Keon na siyang incumbent na gubernador. Nakalahati naman ni Rodolfo Farinas ang boto bilang congressman sa 1st district para talunin ang anak ng dating Rep. na si Roque Ablan Jr na si Kris Ablan. At kahit talo ang tatay niya, nanalo naman si Jeffrey Nalupta bilang mayor ng Batac. Nanalo si Edito Balintona sa Sarrat at si Salvacion Cimatu sa Bangui habang wala namang kalaban si Michael Farinas sa Laoag at si Bonifacio Clemente sa Paoay.

Sa Ilocos Sur naman ay hari pa rin ang mga Singsons. Si Luis “Chavit” Singson ang mulign naproklamang governor sa probinsiya habang anak niyang si Ronald ang siya pa ring nanalo sa unang distrito. Si Eric Owen Singson Jr, anak ni Deputy Speaker Eric Singson at pinsan ni Chavit, ang pumalit sa 2nd distrito. Pamangkin ni Chavit na si Eva Grace Medina ang mayor pa rin ng Vigan habang kapatid ni Owen na si Allen ang nanalo sa Candon City. Walo pang mga Singsons ang nanalo sa Ilocos Sur.

Puro Ortega naman sa La Union, pinangungunahan ni Manuel Ortega na siya pa ring gobernador at kapatid na si Victor bilang congresista sa unang distrito. Nanalo naman ang kaalyadong si Eufranio Eriguel sa 2nd distrito. Dalawang Ortega rin ang nanguna sa pagka-bokal at si Pablo Ortega pa rin ang mayor ng San Fernando City. Mga mayores na nanalo sa La Union ay si Reynaldo Flores ng Naguilian, Bellarmin Flores III sa Rosario, Ruben Valero sa San Juan at Martin de Guzman sa Bauang.

Sa Pangasinan, si Amado Espino pa rin ang gubernador ngunit naiba nang kaunti ang mga kongresista. Tinalo ni Jesus Celeste ang batikang broadcaster na si Maki Pulido sa 1st district at si Leopoldo Bataoil ay nanalo sa 2nd. Maliban doon puro babae na. Panalo pa rin si Rachelle Arenas sa 3rd, si Carmen Cojuangco ang nanalo sa 5th, si Marlyn Primicias-Agabas sa 6th at si Georgina De Venecia sa 4th. Upset ang pagkapanalo ni Benjie Lim kay Alipio Fernandez sa Dagupan City. Iba pang mayor sa piling siudad sa Pangasinan ay si Amadeo Perez sa Urdaneta, Ramon Guico III sa Binalonan, Libradita Abrenica sa Villasis, Irene Libunao sa San Fabian, Ernesto Castaneda sa Lingayen, Artemio Chan sa Pozzorobio at Julier Resuello sa San Carlos City.


CORDILLERA


Sa Abra, ang pinaka-mainit sa mga hotspots sa Norte, nanalo si Joy Bernos bilang congresista, tinalo niya ang incumbent na si Cecile Luna ng 1,082 votes. Nanalo naman ang anak ni Luna na si Ryan sa tatay ni Joy na si Dominic Valera bilang mayor ng Bangued. Nananatili pa ring gobernor si Takit Bersamin at ang pamangkin nitong si Charito ay nanalo bilang bokal. Ang dating mayor ng Pilar na si Rolando Somera ang bise-governor. Erap-Binay ang Abra.

Sa Apayao, hari pa rin ang mga Bulut. Ang political patriarch dito na si Elias K. Bulut Sr. ang mayor ng Calanasan habang ang anak nitong si Elias Jr ang pumalit sa kanya bilang gobernor. Congresista naman ang isa pang anak na si Eleanor Bulut – Begtang. Panalo si Leonardo Dangoy bilang mayor ng Conner at si Rolly Guiang sa Sta. Marcela.

Ang Mountain Province ang pinakahuling maproklama sa Cordillera. Nanalo si Gov. Maximo Dalog bilang congressman; tinalo niya si Ind. bet na si Jupiter Dominguez ng 751 votes lamang. Nagwagi naman si Leonard Mayaen bilang MP Governor.

Sa Bontoc, tinalo ni Pascual Sacgaca si Florence Taguiba ng 26 votes para makuha ang mayorship sa capitol town. Panalo pa rin si Fernando Latawan bilang mayor ng Sagada at si Simon Lacwasan sa Bauko. Nasunog ang isang PCOS sa Paracelis na siyang nagdelay sa resulta.

Pawang mga LP ang nanalo sa Ifugao. Nanguna si Gov. Teddy Baguilat bilang congressman at tinalo naman ni Eugene Balitang ang dating congressman na si Solomon Chungalao sa governorship. Vice niya si Pedro Mayam-o na nasa LP din. Si Jerry Dalipog ang mayor ng Banaue habang nanalo naman si Joselito Guyguyon kay Angelito Dulinayan ng 13 votes. Si Ceasario Cabbigat ang mayor ng Lagawe, si Hilario Bumangabang sa Hungduan at si Glenn Prudenciano sa Alfonso Lista.

Si Manuel Agyao pa rin ang congressman ng Kalinga ngunit natalo ni Jocel Baac si Gov. Floydelia Diasen at Macario Duguiang sa gubernatorial race. Vice Gov si Balbalan Mayor Allen Mangaoang. Si Ferdinand Tubban ang bagong mayor ng Tabuk City habang si Fernando Abay ang nanalo sa Tanudan at si Irving Dayason ang nanalo kay Dominador Belac sa Pinukpuk at Johnny Dickpus sa Lubuagan.

Nagreturn of the comeback si Ronald Cosalan sa Congreso bilang kinatawan ng Benguet at nanalo pa rin bilang governor si Nestor Fongwan laban kay Rep. Samuel Dangwa at dating Gov. Rocky Molintas. Vice Gov pa rin si Cresencio Pacalso.

Si Peter Alos ang bagong Atok Mayor habang si Melchor Diclas naman ang nag-upset kay Robert Tindaan sa Buguias. Upset winners diun si Greg Abalos sa Trinidad (laban kay Edna Tabanda), Florencio Bentrez (laban kay Jose Baluda) sa Tuba, Arthur Baldo (laban kay Marcelino Inso) sa Sablan at Materno Luspian (laban kay Manalo Galuten) sa Mankayan. Nanalo si Oscar Camantiles sa Itogon, Ruben Paoad sa Tublay, at Faustino Aquisan sa Kabayan.

Sa Baguio City, nagwagi na naman ang tandem ni Mauricio Domogan (na balik Mayor) at Bernardo Vergara (bilang congressman). Siyam ang tumakbo sa mayor at walo naman sa congressman kasama na si Mayor Peter Rey Bautista, dating Mayor Braulio Yaranon at councilors Leandro Yangot at Rocky Balisong.Vice Mayor pa rin si Daniel Farinas. Kabilang sa mga councilor sila Nick Aliping, Lourdes Tabanda, Richard Carino, Edrolfo Balajadia, Pinky Rondez, Ed Bilog, Phyllian Weygan, at Nick Palaganas. Mar-Noy ang nanaig sa Baguio at Benguet, MP at Ifugao


CAGAYAN VALLEY


Sa Batanes, papunta na sa kabinete ni Noynoy si Butch Abad maaring bilang Education Secretary at asawa naman niyang si Henedina Abad ang magiging congresswoman dito. Si Vicente Gato, na LP rin kagaya ng mga Abads, ang nahirang ng gobernador. Si Romeo Gonzales ang mayor ng Itbayat at si Oliva Blackburn naman sa Uyugan. Ang mga mayores sa Basco, Sabtang at iba pang lugar ay hindi pa naproproklama.

Sa Cagayan kahit pang-apat lang si Lakay Juan Ponce Enrile sa Senate race ay nanalo naman ang kanyang anak na si Jacky Enrile sa 1st District. Tinalo ni Randolph Ting si Francisco Mamba sa 3rd at nanaig naman si Florencio Vargas sa 2nd distrito. Tinalo ni Alvaro Antonio ang isa pang Mamba, si Manuel, sa pagiging gobernador ng Cagayan. Isa pang Ting, si Delfin, ang mayor ng Tuguegarao City. Iba pang nanalo bilang mayor ay sina Celia Layus sa Claveria, Ramon Nolasco sa Gattaran, Aaron Sampaga sa Pamplona at Meynard Carag sa Solana.

Nanaig ang mg Dy sa tambalang Grace Padaca at Edwin Uy sa Isabela. Nanalo si Faustino Dy III kay Padaca sa governor at tinalo din ni Rodolfo Albano III si Uy sa vice-governor. Nanalo si Napoleon Dy sa 3rd district at nagwagi pa rin si Giorgidi Aggabao bilang congresista ng 4th distrito. Si Rodolfo Albano Jr ang nanalo naman sa 1st at si Ana Cristina Go sa 2nd. Ang native son ng Isabela na si Jejomar Binay ay nagkamit ng 62 porsiyento ng VP votes dito sa Isabela.

Mga mayors sa piling lugar dito ay sina Benjamin Dy sa Cauayan, Amelita Navarro sa Santiago, Benedict Calderon sa Roxas (34 porsiyento lang nakuha ni Mar dito laban sa 54 percent kay Binay), Angelo Bernardo sa Palanan, Melinda Kiat sa Echague at Josemarie Diaz sa Ilagan.

Si Carlos Padilla pa rin ang nagwagi bilang congressman ng Nueva Vizcaya at kasama niya si Luisa Cuaresma bilang gobernador. Mga mayores sa piling lugar dito ay sina Guillermo Peros ng Aritao, Philip Dacayo ng Solano, Teodorio Padilla ng Santa Fe at John Bagasao ng Bayombong na nanalo lamang ng 83 votes kay Ramon Cabauatan Jr.

Kuha pa rin ng Cua ang Quirino sa pagkapanalo ni Junie Cua bilang gobernador at Dakila Carlo Cua bilang congressman. Si Avelino Agustin ang mayor ng Cabarroguis at si Mariano Guillermo naman sa Diffun at Renato Ylanan sa Maddela.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Submit your website to 20 Search Engines - FREE with ineedhits!
Get Free Shots from Snap.com
Since March 2007
Carp Fishing
site statistics
visited 14 states (6.22%)
Create your own visited map of The World or jurisdische veraling duits?