Monday, October 08, 2007

Mutya ng Pasig, ay mali, Thames pala

Maaring napanood niyo na ang British group na Sugababes. Siyempre naman. Sila ang pinakasikat na all-girl group sa UK. Lahat ng albums nila ay pumasok sa Top 15 at ang nakakabilib ay halos mga original songs nila ang mabenta. Sila ang may pinakamaraming orihinal na kanta na nakapasok sa Top Ten katulad ng Supremes na pinagbasehan ng “Dreamgirls” at pati na rin ang Bananarama at Destiny’s Child. Ibang level din kasi ang performance level ng Sugababes; katunayan noong 2003 ay sila ang tinanghal na “Best Dance Act” sa UK. Di niyo ba alam na Pinay ang soloist ng Sugababes. Sa pangalan pa lang di na pinagkakaila: Mutya Buena, isang Irish-Filipina.
Nagkaroon siya ng solo album na “Real Girl” na ngayon ay nominated sa 2007 British “Music of Black Origin” or MOBO Awards na binibigay sa mga performers ng reggae, hip hop at soul. Kahit na di siya nanalo ay karangalan pa rin ito kay Mutya at sa lahat ng Pinoy. Nai-release ang Real Girl, ang solo album ni Mutya, noong July at isa itong blockbuster. Ang carrier single na “Real Girl” ay naka-abot sa No. 11 sa British Music Charts dahil sa downloads lamang. Nang nilabas na ito sa record stores ay naging Number 2. Number 8 naman ang naabot ng second single na “Song 4 Mutya.”
Naka-duet din ni Mutya si George Michael para sa ”This is Not Real Love” na umabot sa Number 15 noong November 2006. Hindi ito kasama sa album ni Mutya pero isinama ni George Michael sa kanyang “Greatest Hits of George Michael.” Dahil dito, sumama si Mutya sa dalawang concerts ni George Michael sa UK. Kasama ni Mutya si Michael at sila Amy Winehouse, Groove Armada, Johnny Douglas, Tah Mac at MC Viper sa “Real Girl.” Umalis si Mutya sa Sugababes noong 2005 matapos manganak ng isang baby girl. Si Mutya ang featured vocalist ng Sugababes sa 18 na singles nila at lima dito ay naging Number One sa Britain. Ang Sugababes din ay itinanghal na Best UK All-Female Act of the 21st Century ng British Hit Singles and Albums.

1 Comments:

Blogger Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

6:21 AM  

Post a Comment

<< Home

Submit your website to 20 Search Engines - FREE with ineedhits!
Get Free Shots from Snap.com
Since March 2007
Carp Fishing
site statistics
visited 14 states (6.22%)
Create your own visited map of The World or jurisdische veraling duits?