Lumbera
ANG Departamento ng Filipino ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ay nananawagan ng mga abstrak para sa Seryeng Panayam 2007-2008: Bienvenido Lumbera. Ang proyektong papel ay maaaring pagbasa o/at paglalapat ng mga ismo sa mga akda ni Bienvenido Lumbera, pagtalakay sa kanyang nga dalumat, metodolohiya, kritika, o praktika hinggil sa pambansang panitikan, teatro/pelikula, o pagbubuo/pagpapanukala ng mga paradigm sa pagpahahalaga sa textong Lumbera.
Si Dr. Bienvenido Lumbera ay nagtapos ng Journalism sa Universidad ng Sto. Tomas at ng masteral at doktoreyt sa Indiana University bilang iskolar ng Fulbright. Siya ay professor emeritus sa Universidad ng Pilipinas – Diliman at visiting professor naman ng Departamento ng Filipino ng DLSU. Iginawad sa kanya ang pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2006.
Mahalagang linawin sa abstrak ang saklaw at tinatayang extent ng pinoproyektong papel. Ang abstrak ay bubuuin ng 200 salita. Kung sakaling mayroon nang tapos na proyekto ay maaari rin itong isumite.
May panel na uupo para sa pagtatasa sa mga abstrak. Ipababatid sa mga awtor ng mga napiling abstrak ang takdang petsa ng kani-kaniyang panayam. Sampung panayam ang nakaiskedyul. Proyekto rin ng departamento ang paglalathala ng koleksyon ng mga panayam.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home