Human Rights
Tomorrow, the local human rights office would hold a concert at the UP Baguio for the benefit of the desaparacidos. I was asked to read a poem and this is what I decided to read:
This was based on Julio Cortazar's short story, Alejandro.
SI ALEJANDRO
Nang maglaho
Na lang basta
Si Alejandro,
Nangamba
Ang mga kasama
Niya’t kapatid
Kung paano nila
Ipapahatid
Ang balita
Sa kanyang ina.
Mahirap na,
Bukod sa biyuda
Ay malala na’ng sakit
Ng matanda
At malapit
Na ngang mamatay.
Kaya hindi
Na nakapagpaalam
Nang mainam
Sa kanyang inang.
Napasyahan
Nilang huwag
Na munang
Ipahayag.
Tutal, ang
Ate ni Alejandro
Ay may asawang
Nagtratrabaho
Sa Saudi.
Siya’ng magpapaalala
Na kunwari
Ay ipinatawag niya
Si Alejandro
Bilang kasamahan
Sa pagkakarpentero.
Ito’y biglaan
Kaya't sa isip ng ina
Ni Alejandro
Ay buo ang alaala
Na buhay pa’ng bunso.
Kaya sa pamamagitan
Ng pagbibigay
Ng mga liham
Muling nabuhay
Si Alejandro.
Bawat buwan, may padala,
Kaarawan, Pasko
Pati litratong luma
”Mahal kong ina,
Magpakabuti kayo
Sana malakas ka na
Sa pag-uwi ko.”
Ito and huling liham
Na nabasa ng ina
Kaya ito namatay
Na masaya at mapayapa.
Nakahabol ang bayaw
Sa libing ng ina, at
Matapos ang ilang araw
Dumating ang sulat
Ni Alejandro:
“Inay, uuwi si bayaw
Baka sumunod din ako
Balang araw.’
Ate niyang nakatanggap
At binasa ito muli.
Paghinga’y kinalap
Saka umiyak sa tabi
At di niya alam kung paano
Ihahatid ang balita
Kay Alejandro
Na patay na ang ina.
This was based on Julio Cortazar's short story, Alejandro.
SI ALEJANDRO
Nang maglaho
Na lang basta
Si Alejandro,
Nangamba
Ang mga kasama
Niya’t kapatid
Kung paano nila
Ipapahatid
Ang balita
Sa kanyang ina.
Mahirap na,
Bukod sa biyuda
Ay malala na’ng sakit
Ng matanda
At malapit
Na ngang mamatay.
Kaya hindi
Na nakapagpaalam
Nang mainam
Sa kanyang inang.
Napasyahan
Nilang huwag
Na munang
Ipahayag.
Tutal, ang
Ate ni Alejandro
Ay may asawang
Nagtratrabaho
Sa Saudi.
Siya’ng magpapaalala
Na kunwari
Ay ipinatawag niya
Si Alejandro
Bilang kasamahan
Sa pagkakarpentero.
Ito’y biglaan
Kaya't sa isip ng ina
Ni Alejandro
Ay buo ang alaala
Na buhay pa’ng bunso.
Kaya sa pamamagitan
Ng pagbibigay
Ng mga liham
Muling nabuhay
Si Alejandro.
Bawat buwan, may padala,
Kaarawan, Pasko
Pati litratong luma
”Mahal kong ina,
Magpakabuti kayo
Sana malakas ka na
Sa pag-uwi ko.”
Ito and huling liham
Na nabasa ng ina
Kaya ito namatay
Na masaya at mapayapa.
Nakahabol ang bayaw
Sa libing ng ina, at
Matapos ang ilang araw
Dumating ang sulat
Ni Alejandro:
“Inay, uuwi si bayaw
Baka sumunod din ako
Balang araw.’
Ate niyang nakatanggap
At binasa ito muli.
Paghinga’y kinalap
Saka umiyak sa tabi
At di niya alam kung paano
Ihahatid ang balita
Kay Alejandro
Na patay na ang ina.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home